Baha:Nakakainlove nga ba?
Ang baha ay isang sakuna,
Kung saan nakakadulot ng disgrasya,
Nakakagulo sa masayang pamilya,
At minsan nakakawala sigla.
Ngunit naisip n'yo ba?
Na ito din ay nakakabigay ng ligaya,
Sa mga taong baha ang dahilan,
Ng kanilang pagmamahalan.
Ang hirap paniwalaan noh?
Sapagkat may pagkakataon ding ganito,
Kung saan nagkakilala kayo,
Ng dahil sa isang delubyo.
Minsan nga natanong ko sa sarili ko,
Bakit masaya sila sa kabila ng ulan?
Napagtanto ko nalang, na ang delubyong ito,
Ay nakapagdulot sa kanila ng pagbabago.
Pagbabago na kung saan,
Ayaw nilang makalimutan,
Sapagkat ito,ito ang nagbigay kulay,
Sa mga puso nilang walang buhay.
Ang hirap paring paniwalaan noh?
Na ang isang pahamak na bahang ito,
Ay may tinatago palang sikreto,
Na pagtagpuin ang mga pusong hinahanap ang kapiraso.
Mabuti pa maniwala nalang kayo,
Para mas mapadali ako,
Sa pagpalaganap, na ang delubyo,
Ay nakakapagbigay? nga ano?hulaan nyo.